Sunday, November 11, 2007

the mind-boggling rubik's cube

i was in my friend's house a while ago, we celebrated his birthday and had a little gathering with our friends. tapos nanuod kami nung project namin nung fourth year, which was badtrip. it was a film na sobrang pinaghandaan talaga namin.

di lang yun yung ginawa namin, kumain kami ng bake mac at chicken. simpleng handaan lang talaga. tapos nanuod ulit kami ng isang film, i forgot the title kasi hindi yun yung inatupag ko. inasar ko lang yung kaibigan ko. (alam niyo na, part ng pagiging bata.)

at may napansin ako.

sa taas ng dvd player ng classmate ko ay may rubik's cube.

oo. rubik's cube. nyay.

i don't know but this cube really boggles my mind for years. di pa ako nakakabuo ng 6 sides with one color. laging iba iba ang kulay. multi-colored.

aamin na ako.

ok, nakabuo na ako ng ilang beses. pero may daya yun, binabaklas ko kasi "dati" yung small squares at ina-atach ko isa-isa to form the correct figure.

hehe. (kaya ngayon, pwede niyo na din yan gawin at ipagmalaki sa mga classmates niyo na nakabuo kayo)

alam ko magaling yung kaibigan kong si gerald when it comes to solving this cube. ang galing talaga. kaya eto naman ako, nagpaturo.

habang naglalaro sila ng ps2, busy naman ako kakasolve ng rubik's cube, at alam ko, naaabala ko siya. kasi habang naglalaro siya, dinidistorbo ko at kinukulit para lang mabuo yung cube... hehehehe... ok lang yun, friends naman kami eh.

pauwi na kami.

mula labasan ng bahay nila up to main road, binubuo ko pa din yung cube. pero nung pasakay na kami ng jeep, kailangan ko na siyang ibalik kay gerald. nakakalungkot, di ko nabuo.

ngayon.

nasa bahay na ako. at buti, may rubik's cube ang aming bunsong kapatid. kaya eto ako ngayon, naglalaro. sa oras na sinusulat ko ito, nabuo ko na ng tama ang yellow side. good luck na lang sa akin.

irerelate ko 'to sa peyborit sabjek ko... ang math... wth..(what the hell) i really hate math. di ko siya minahal, and at the same time, di niya ko minahal! DI KAMI BATI!!!

para kasing if you are good in math, madali mong masosolve ang rubik's cube. haai. matatagalan pa ata bago ko 'to matapos. pero kaya yan!! think positive lester!

rubik's cube talaga!!!!! humanda ka pag natapos din kita. yayariin kita!!!

nga pala, happy birthday gerald!!!

No comments: