Friday, November 30, 2007

solid

kakabili ko lang ng bagong album ng parokya ni edgar - solid.
anlupet. napakalupet talaga.
sobrang saya ng album at ang galing galing galing talaga ng idols ko. haha.
ito ang mga kanta sa album na solid.
1. track no. 1
2. macho
3. siga cigarettes
4.nakaka-inis
5.alone with you
6.akala
7.celfone wallet
8.eman
9.amats
10.anti-matter
11.pompiangan na
12.don't think
13.how to make lovesong
14.celfone celfone wallet
15.iisa lang
16.tange
17. nescafe
18.lastikman
19.boys do falling love

pinakagusto ko dyan ay ang numbers 5,6,9,12,13,15,17

tawang tawa naman ako sa number 4 at 16..

good job parokya ni edgar SOLID!

Sunday, November 25, 2007

mina, where are you??

i know its not a good thing to wish for delinquencies and catastrophes. but its all what i wish to have my classes suspended and have a reason to be at home and relax.

hehehehe...

ineexpect ko na darating si mina nung friday! pero nabigo ako, ayan tuloy, natuloy ang quiz namin sa sociology, at pasang awa ako sa ikalawang quiz, pero sana, hindi ako bagsak sa first. it is really frustating to know that your first answer was correct (but you changed it).

pero ok lang, natuloy din ang quiz namin sa literature with prof. macapagal. nagalit pa nga siya sa amin. oh well, today is sunday, and i have still a reaction paper to finish for my theology class tomorrow.

kaya mauuna na ako.

Wednesday, November 21, 2007

inulan nanaman ako.

ganado talaga. uwian na namin from class. at balak ko talagang umorder na ng p.e. uniform for korfball, kulay puti.

kasama ko si chesmer na umorder ng uniform sa ipea... sa gilid ng ust gym... kasi dapat sabay kaming oorder, but i was surprised to know that she already ordered her uniform this morning. kaya sabi ko, she needs to be with me in ordering the uniform.

while we are going down from the second floor of AB building, Denison accompanied to us to order my uniform. But we still have to see Chesmer's friend who is waiting outside the P. Noval gate in UST.

It took us about 10 minutes waiting for Chesmer's friend. (I don't know her name). I am hungry, so I decided to buy singkamas with spicy bagoong.

Chesmer's friend called and we found out that she is in the Espana gate, near P. Noval. We directly went there and they had a conversation.

Biglang umulan. patay.

Ipinahiram ko ang payong ko sa friend ni Chesmer. At kami, basa. Huhuhu. Pero ok lang, nakatulong naman kami sa dalawang binibini, Hehehehe.

Kaya, andito kami sa UST Library. Nagiinternet. At di na umuulan.

Magaling Magaling Magaling.

Sunday, November 18, 2007

may napansin ako...

napansin ko, na masyadong maliit yung font size sa blog page ko..

hehehe... cge, babaguhin ko na..

ay. 10 minutes na lang, may klase na ako. sociology.

i am looking forward sa klaseng ito, kasi ang dami kong natututunan.

by the way, our prof in this subject is prof. josephina "pepin" aguilar-placido.

one of the best.

madami siyang kwento and i don't want to miss it.

ayaw niya ng late, kaya mabuti ng umalis na ako sa harap ng monitor, at papasok na ako.

ingat sa akin. at pati na din sa inyo.

Friday, November 16, 2007

kyle xy, season 1 FINISHED

I have just finished watching the first season of kyle xy.

ang galing. ang astig. two thumbs up para sa bumubuo ng kyle xy!

napakaganda ng storya at napakagaling ng may idea na gawin itong series.

kyle xy is a tv series in the united states, shown here in the philippines. napapanuod ito sa studio 23, every wednessday night. (i'm not just sure with the time). di ko din alam kung pinapalabas ito sa cable channels.

i recommend you watch this series.

nakakakaba. may magandang twist at mapag-iisip ka talaga kung saan nanggaling si kyle.

may love story din dito. meron siyang love story, suspense, action, comedy, family-oriented type din ng storya at friendship.

astig talaga.

at papanuodin ko na ang season 2! may bagong dagdag na charcter, nakaka-intriga kung ano ang magiging part niya sa buhay nila kyle at ng pamilya niya sa seattle. weekend na, ang saya!

Wednesday, November 14, 2007

classes were suspended

classes were suspended in ust at around 12nn,

lintik. andito na ako sa school at lahat lahat, saka lang nila sinuspend!!! pero, ok lang din, kasi nakapag-attendance na ako sa p.e. class ko, which is korfball...

ang p.e. class ko ay 9am. ang travel ko from bulacan to ust is approximately 1 and 1/2 na oras.

umuulan. ang sarap matulog. ang lamig. pinatay ko ang electric fan ko at around 5am. ang ganda pa ng panaginig ko!!! ang saya!!!

grabe ang nangyari sa akin ngayong umaga. hehehe. desidido akong gumising ng 6am kaninang umaga, pero nung tumunog yung cellphone ko, akala ko, nananaginip pa ako, kaya ang ginawa ko, tiigil ko ang pagtunog ng cellphone, at bumalik sa pagkakahimbing.

nagising ako ng 7:02am, waaahh.. late na ako... nawala ang pagka-antok ko, at bumangon na ako. dali-dali akong pumunta sa drawer, kumuha ng brief, short at tuwalya. at naligo na ako. whew! mabilisang ligo!!! mga 5mins... hehehehe.... (BAKIT??? kayo din naman siguro ganyan pag emergency...). nagbihis. dahil nga may p.e., kailangan may laman ang tiyan. kumain ako ng isang pirasong monay. walang palaman.

pag labas ko ng bahay. umuulan. malakas. nagpayong ako.

(fastforward)

nasa jeep na ako. nakasakay na. nakasabay ko pa sa jeep si JM with his tatay at ate Jomai, ang dalawang dating presidente ng Dramatic Guild ng St. Mary's Academy of Sto. Nino. hehehe... i checked my bag, kaya hinila ko siya mula sa likod ko. nararamdaman kong inuupuan ng katabi ko yung bag ko, kaya paghila ko ng malakas, i found out na ang hinihila kong bag ay bag niya. nakakahiya. pero hindi ko na lang pinansin.

pagkatapos noon, nasa Camatchile na ako. hehehe. i found out (nanaman) na "slightly na sira" ang payong ko. badtrip di ba.

(fastforward)

nasa ust na ako. as ussual baha. 9am na, pumunta na kaming complex ni Che, p.e. mate ko... at blockmate... hehehe. after magpaphotocopy ng reg form. nung nasa complex na kami, may lumapit na janitor at sinabing: "sa gym daw yung korfball"..

huhuhuhu.

ang layo.

noong papunta na kami doon, kasama na namin si Jed na blockmate and pe mate ko din, ginapangan ako ng ipis sa paa. pero hindi ako sumigaw kasi ipis lang iyon, pero si che ang sumigaw kahit wala na yung ipis sa paa ko.

ayun, basa ang mga medyas namin, at paa. badtrip. after pe, nagbihis kami ng uniform, at naglunch sa Lopez' canteen. pagkatapos. nabalitaan naming suspended ang klase.

magaling. magaling.

at pumunta akong ust library, para isulat ito.

as i choose for what i think is best

This was an image taken by my friend while i was choosing for an order in Seattle's best in Trinoma.
Wala lang, naisipan na lang namin tumambay sa Trinoma, tutal naman, walang homework bukas... (except English...) Eh wala pa kaming textbook dun, kaya wala din kaming pagsasagutan, kaya bukas na lang namin aanswer-an. Hehehe...
Actually, we just got there for experience. Hehehe... Gusto naming subukang kainan, ang lahat ng store sa trinoma.. (hehehe... Kung kaya namin...), dapat sa Sbaro, pero masyandong mahal, konti lang naman ang pera naming dala.. Hehehe... Siguro, pag mayaman na kami.
Ang yabang ng pangarap. Pero sa totoo lang, masarap naman siya, pero walang "ibang" factor na hinahanap ko. Siguro kasi, nag-expect ako ng mas masarap for a hundred peso worth of food. Hahaha... Pero wala akong pinagsisihan. Kasi enjoy naman ang pagkain. I even saw ate Jones in Trinoma. Haha...
Sige, magpapahinga na ako. May PE pa ako bukas, Korfball.

Tuesday, November 13, 2007

you can use a scratch paper if you want

This is my first scratch paper in creating my first news article. Homework kasi namin 'yan na binigay ng prof namin sa Journalism 202. By the way, I am a Journalism student ng University of Santo Tomas. I'm a freshman student, kaya madami pa talaga akong kakaining kanin.

The title na gagawin was given by our prof, pero kami na ang kailangan gumawa ng body. The title was "The Incredible Meanness and Amazing Courage of Man". It was given to us on the spot last Monday. At dahil hindi naman kami lahat prepared, halos lahat kami ay nahirapan. We knew the latest news, pero hindi namin ang full details, at yun yung nagpahirap sa amin.

Pero ok lang naman. Kaya namin 'to! hehehe...

Since hindi ko alam ang ibang details ng ibang news, nagpaka safe ako. I wrote the story of Marianeth Amper, the 11 year-old girl in Davao who committed suicide because of poverty. Yun kasi yung tinutukan ko 2 days ago.

Di pa din ako makaget over sa kanyang storya. Madami talagang nagagawa ang kahirapan.

Kaya ayun, sana ok naman yung nagawa ako

May assignment pa pala kami. Nakalimutan ko. Gagawa na nga ako. hehehe...


Monday, November 12, 2007

my tongue got burned

recto was just like divisoria, ang pinagkaiba lang nila, in recto, merchants there are selling books while in divisoria, you can buy there various things that can be used in everyday living or presents for special ocassions in a cheaper price, at pwede ka pang tumawad.

grabe, todo tawad kami kanina in buying a book.

we were looking for fundamental logic by manuel pinon. (the first 'n' must be 'enye', but i don't know how to make it 'enye', please comment if you know. i'll thank you for that)

we had entered so many stalls, pero konti lang yung merong ganun, siguro sa about 20 na book sellers sa bangketa ng recto, near f.e.u., isa lang ang may nagbebenta, at 5 pieces kasi ang kailangan namin, kaya di namin binili.

sa mga may book store talaga na nagbebenta ng 2nd hand books, mga 3 out of 5 stores ang meron. grabe, yung isang store napakagahaman. imagine, binentahan kami ng 2nd book for 200php, pero ang normal price niya ay 150php. (kahit 50php lang yun, malaking bagay din yun.)

sa national book store, 300php. kaya hindi din namin kinagat.

then, afterwards, napunta kami sa isang tagong store na nagbebenta ng 150php na fundamental logic ni m.pinon.. so we grabbed the price, pero tumawad kami since 5pcs naman yung kailangan namin. so we got it at 140php per piece. malaking bagay na din yung 10php no...

tapos, napatunayan ko na magaling kaming tumawad at maghanap ng murang book, kasi yung iba kong blockmates got the book for 200php... may ipis pa!!! imagine how unfortunate they were... niloko pa sila kasi ang sabi, it was brand new... pero nung tiningnan nila. hindi pala. may patay na insekto pa!!!

mga sugapang merchants kayo!!!

naka form pa nga ako ng theory eh! (pero siguro may nakaformulate na neto...)

"they sell books on a higher price pag alam nilang in demand ito..."

mga pinoy talaga.

pero, masaya naman eh! sobrang saya.

mga pinoy talaga..:)

kaya ayun, maya-maya, babasahin ko na siya..:)

tapos, bumili ako ng mais na binebenta sa bangketa. bunga ng gutom at pagod sa recto. at ang init niya. hanggang ngayon, nararamdaman ko pa din ang paso sa dila ko...

Sunday, November 11, 2007

gusto ko ng matawa kanina, pero di ko magawa

naranasan niyo na ba yung nasa jeep kayo, tapos may naalala kayong nakakatawa talaga, tapos gusto niyong tumawa ng malakas pero di niyo magawa kasi nakakahiya sa mga "jeepmates" niyo. (baka akalain, nasisiraan kayo ng bait).

pwes ako, oo. madaming beses na. pero gusto ko ikwento yung pangyayari kanina. sobrang ngiti na lang talaga yung ginagawa ko, at tinatago ko pa yun sa madla kasi baka sabihin nila..

"bakit ngumingiti 'to mag-isa... sira-ulo yata."

on my way to school, nagbabasa ako ng kwentong tambay ni nicanor david jr. (naks.) tapos, nandun ako sa page 101, ang title ay "AND THE LIGHT THAT ONCE ENTERED HERE IS BANISHED FROM ME".

haai. tawang-tawa talaga ako sa article na 'yon..

hehehe.. mejo naka relate kasi ako eh... i had that experience too during our senior retreat.. ang nakakatawa dun, sa aming mga magkakaklase, ako lang yung umamin sa pari about that matter.. (basahin niyo lang if you want to know... di pa ako handang sabihin kung ano yun... haha! abangan niyo na lang..)

nakakatawa talaga.

cge, may klase pa ko. paalam.

i can feel the christmas' aroma

nung gumising ako (30 minutes na ang nakakaraan). ansarap ng pakiramdam na naramdaman ko, parang may "kakaiba" na feeling na kumikiliti sa mga binti ko... (maliban sa tinanggal ng nanay ko yung bedsheet ko para labhan...) it was really different! i can feel my skin shivering although it is not that cold. (nakatapat kasi sa akin yung fan, at madali lang talaga akong lamigin.)

paglabas ko ng kwarto. waw. PASKO NA!

its really cool! ang astig, pasko na. pero i'm not that excited like what i used to be during my childhood days. Before, i would really count the days until Christmas to open presents and go to my ninongs and ninangs to (you know what i mean.) at masaya na ako.

pero pag tumatanda ka, napagiiwanan ka na ng regalo. i used to love receiving toys for christmas. i really hate it when i receive a handkerchief or a face towel, (especially during christmas parties in school)i much prefer toys that those things.siguro, pag Christmas party at 'yun yung matatanggap ko(as a child pa 'to ha), siguro iiyak ako sa classroom namin. (meron pa pala, i hate picture frames!) but now, mas gusto ko kung pera na lang ang ibibigay sa akin. para gusto ko yung bibilhin ko.

ngayong christmas, hindi ko alam kung ano ang magiging exciting part. basta alam ko, pag ganitong oras, i-reready ko na ang mainit na tubig pangligo. analamig.

haai, o pano, mag-aayos na ako ng sarili ko. papasok na ako sa klase maya-maya.

the mind-boggling rubik's cube

i was in my friend's house a while ago, we celebrated his birthday and had a little gathering with our friends. tapos nanuod kami nung project namin nung fourth year, which was badtrip. it was a film na sobrang pinaghandaan talaga namin.

di lang yun yung ginawa namin, kumain kami ng bake mac at chicken. simpleng handaan lang talaga. tapos nanuod ulit kami ng isang film, i forgot the title kasi hindi yun yung inatupag ko. inasar ko lang yung kaibigan ko. (alam niyo na, part ng pagiging bata.)

at may napansin ako.

sa taas ng dvd player ng classmate ko ay may rubik's cube.

oo. rubik's cube. nyay.

i don't know but this cube really boggles my mind for years. di pa ako nakakabuo ng 6 sides with one color. laging iba iba ang kulay. multi-colored.

aamin na ako.

ok, nakabuo na ako ng ilang beses. pero may daya yun, binabaklas ko kasi "dati" yung small squares at ina-atach ko isa-isa to form the correct figure.

hehe. (kaya ngayon, pwede niyo na din yan gawin at ipagmalaki sa mga classmates niyo na nakabuo kayo)

alam ko magaling yung kaibigan kong si gerald when it comes to solving this cube. ang galing talaga. kaya eto naman ako, nagpaturo.

habang naglalaro sila ng ps2, busy naman ako kakasolve ng rubik's cube, at alam ko, naaabala ko siya. kasi habang naglalaro siya, dinidistorbo ko at kinukulit para lang mabuo yung cube... hehehehe... ok lang yun, friends naman kami eh.

pauwi na kami.

mula labasan ng bahay nila up to main road, binubuo ko pa din yung cube. pero nung pasakay na kami ng jeep, kailangan ko na siyang ibalik kay gerald. nakakalungkot, di ko nabuo.

ngayon.

nasa bahay na ako. at buti, may rubik's cube ang aming bunsong kapatid. kaya eto ako ngayon, naglalaro. sa oras na sinusulat ko ito, nabuo ko na ng tama ang yellow side. good luck na lang sa akin.

irerelate ko 'to sa peyborit sabjek ko... ang math... wth..(what the hell) i really hate math. di ko siya minahal, and at the same time, di niya ko minahal! DI KAMI BATI!!!

para kasing if you are good in math, madali mong masosolve ang rubik's cube. haai. matatagalan pa ata bago ko 'to matapos. pero kaya yan!! think positive lester!

rubik's cube talaga!!!!! humanda ka pag natapos din kita. yayariin kita!!!

nga pala, happy birthday gerald!!!

Saturday, November 10, 2007

madami pa ba ang mga marianette amper???

nagulat talaga ako nung nalaman kong may nagpakamatay na batang pilipino dahil sa kahirapan. sobrang lungkot ko nung nalaman ko, na nagbigti siya dahil sa kahirapan.

dahil sa kahirapan.

isa talagang malaking pakikipagsapalaran (at mahirap na lakbayin) ang dinadaanan ng mga mahihirap. aminin na natin, in the Philippines, napakalayo talaga ang agwat ng mahihirap at mayayaman. sobra.

si Marianette Amper ay isang labing-isang taong gulang na babae, napakabata pa, napakamura ng kanyang edad para kitilin ang sariling buhay. all she wanted was to study. malaki ang pangarap ng batang ito. sayang.

sayang talaga.

imagine, ang hinihingi niyang 100 pesos para sa project niya ay di naibigay, samantalang kalahati lang yun ng baon ko sa isang araw. haai, ganito na ba talaga kalala ang problema natin when it comes to poverty? siguro nga.

madami na akong balitang narinig tungkol sa pagkitil ng sariling buhay dahil sa kahirapan, pero ngayon lang ako tinamaan ng ganito. ang lakas eh, sobra.marahil siguro, malapit ako sa mga mahihirap. i give food to unfortunate ones pag may extra akong pagkain sa bag tulad ng tinapay ay biskwit.

malamang ay madami pa ang mga kagaya ni marianette, pero sana wag nilang tularan ang ginawa niya, ang suicide. mayroon pa namang pag-asa di ba?? ano ang ginagawa ng gobyerno?? ng taong nakapaligid sa iyo?? at higit sa lahat, ng mga magulang mo?? andyan pa din ang Diyos...

i've learned to appreciate life. sobra. na i am lucky. sobra. na i am fortunate. napaka. na madami talagang mahihirap na sobrang hirap, extreme kahirapan. talaga. sana lang ay may matulong ako, kayo at lalo na sila. ang mga may kapangyarihan.

i am just a first year college student, at mahina lang ang boses ko. pero sana, kahit papaano, may ibang makadinig. yung mas malakas yung pwersa, yung shakra, yung energy level at mas malakas yung kame hame wave!!!


note:
SHAKRA - ito ay ang lakas na nagmumula sa loob ng katawan ng mga ninja sa naruto upang makapaglabas ng mas malakas na kapangyarihan. (from the anime, NARUTO)
KAME HAME WAVE - ito ang kapangyarihan na pinasikat ni son gokou, pero alam din 'to ni kririn na tinuro sa kanila ni master butan. (from the anime, DRAGON BALL Z)

students striving hard in palengke...

after the mass, lagi kaming pumupunta sa palengke para bumili ng mga "raw materials", tapos lulutin para may ulam kami sa tanghalian.

i though it would be like an ordinary palengke trip after the mass, just like the ones we had before. we go to a stand and buy some vegetables and meat, but today was different.

nagulat ako nung ang nagbenta sa amin ay isa kong schoolmate nung highschool.. (third year siya nung fourth year ako...) she was with her mother and she was the one cutting and putting the bought meat in plastic bags. nagwonder lang ako, ang hirap siguro magpa-aral with that kind of job ng isang student sa isang private school, na mejo may kataasan yung tuition fee (di pa kasama dun yung other expenses)...

wala naman akong alam about their life, pero na-appreciate ko yung mga things na meron ako, especially time. while i am writing this, siguro nasa palengke pa yung schoolmate ko selling goods.

paglabas namin, bumili yung mom ko ng sili, at nagulat ako na yung nagbenta ay isa ko nanamang schoolmate dati. naawa nga ako dun dati, kasi imbis na color pink yung p.e. uniform na suot niya, it turned out to be color white na dahil sa sobrang luma. pati yung nakasulat na "p.e." ay lumang version din.

i guess i'm lucky. sige na mga tsong, tatapusin ko muna yung reaction paper ko sa theology. at mamaya, i'll write some again.:)

an inspiration

today, i bought a book entitled "KWENTONG TAMBAY". it was a collection of blog entries by Nicanor David Jr., na malamang, yung iba sa inyo kilala na siya. he was really an inspiration para sa akin, kaya ko ginagawa 'tong blog na 'to. dati ko pa talaga gustong gumawa ng blog, pero nauudlot dahil sa madaming bagay.

nalaman ko yung tangkol kay uncle batjay(Nicanor David Jr., he was known for this name)noong one time na pumasok ako sa school ng napaka-aga. i was in the school at about 7am, eh ang klase ko pa ay 1pm. i have no friends yet in school, kasi malamang, tumutulo pa ang mga laway nila at they must still be dreaming. so i went to the ust library, to chill... hehehe, wala kasi kaming assignments noon o quiz, natripan ko lang pumasok ng maaga. i went to the internet room, searched for "kwentong tambay" in google.. (by the way, noong panahong iyon, wala pa akong kaalam-alam about uncle batjay's website) tapos ayun na, i started reading his entries at gusto ko nang tumawa ng malakas! (pero hindi pwede, kasi nakakahiya... kaya nagtiis na lang ako kaka-kagat ng panyo ko at kaka-kurot sa hita ko, para lang hindi matawa ng malakas...) ayun, mga 2 hours ding nakababad yung mata ko sa monitor, tumigil na lang ako nung nararamdaman kong wala ng laman ang tiyan ko at malapit na akong magcollapse. kumain ako sa mini stop... (isang convenient store)

idol ko si batjay, the best! my father is an OFW worker, kaya siguro natutuwa ako sa mga posts niya. i'm just starting, kaya sana, mapagpatuloy ko 'to... at ma-improve yung page...

ay, nakalimutan ko. may assignment pa palang naghihintay sa kwarto ko..