Friday, November 30, 2007

solid

kakabili ko lang ng bagong album ng parokya ni edgar - solid.
anlupet. napakalupet talaga.
sobrang saya ng album at ang galing galing galing talaga ng idols ko. haha.
ito ang mga kanta sa album na solid.
1. track no. 1
2. macho
3. siga cigarettes
4.nakaka-inis
5.alone with you
6.akala
7.celfone wallet
8.eman
9.amats
10.anti-matter
11.pompiangan na
12.don't think
13.how to make lovesong
14.celfone celfone wallet
15.iisa lang
16.tange
17. nescafe
18.lastikman
19.boys do falling love

pinakagusto ko dyan ay ang numbers 5,6,9,12,13,15,17

tawang tawa naman ako sa number 4 at 16..

good job parokya ni edgar SOLID!

Sunday, November 25, 2007

mina, where are you??

i know its not a good thing to wish for delinquencies and catastrophes. but its all what i wish to have my classes suspended and have a reason to be at home and relax.

hehehehe...

ineexpect ko na darating si mina nung friday! pero nabigo ako, ayan tuloy, natuloy ang quiz namin sa sociology, at pasang awa ako sa ikalawang quiz, pero sana, hindi ako bagsak sa first. it is really frustating to know that your first answer was correct (but you changed it).

pero ok lang, natuloy din ang quiz namin sa literature with prof. macapagal. nagalit pa nga siya sa amin. oh well, today is sunday, and i have still a reaction paper to finish for my theology class tomorrow.

kaya mauuna na ako.

Wednesday, November 21, 2007

inulan nanaman ako.

ganado talaga. uwian na namin from class. at balak ko talagang umorder na ng p.e. uniform for korfball, kulay puti.

kasama ko si chesmer na umorder ng uniform sa ipea... sa gilid ng ust gym... kasi dapat sabay kaming oorder, but i was surprised to know that she already ordered her uniform this morning. kaya sabi ko, she needs to be with me in ordering the uniform.

while we are going down from the second floor of AB building, Denison accompanied to us to order my uniform. But we still have to see Chesmer's friend who is waiting outside the P. Noval gate in UST.

It took us about 10 minutes waiting for Chesmer's friend. (I don't know her name). I am hungry, so I decided to buy singkamas with spicy bagoong.

Chesmer's friend called and we found out that she is in the Espana gate, near P. Noval. We directly went there and they had a conversation.

Biglang umulan. patay.

Ipinahiram ko ang payong ko sa friend ni Chesmer. At kami, basa. Huhuhu. Pero ok lang, nakatulong naman kami sa dalawang binibini, Hehehehe.

Kaya, andito kami sa UST Library. Nagiinternet. At di na umuulan.

Magaling Magaling Magaling.

Sunday, November 18, 2007

may napansin ako...

napansin ko, na masyadong maliit yung font size sa blog page ko..

hehehe... cge, babaguhin ko na..

ay. 10 minutes na lang, may klase na ako. sociology.

i am looking forward sa klaseng ito, kasi ang dami kong natututunan.

by the way, our prof in this subject is prof. josephina "pepin" aguilar-placido.

one of the best.

madami siyang kwento and i don't want to miss it.

ayaw niya ng late, kaya mabuti ng umalis na ako sa harap ng monitor, at papasok na ako.

ingat sa akin. at pati na din sa inyo.

Friday, November 16, 2007

kyle xy, season 1 FINISHED

I have just finished watching the first season of kyle xy.

ang galing. ang astig. two thumbs up para sa bumubuo ng kyle xy!

napakaganda ng storya at napakagaling ng may idea na gawin itong series.

kyle xy is a tv series in the united states, shown here in the philippines. napapanuod ito sa studio 23, every wednessday night. (i'm not just sure with the time). di ko din alam kung pinapalabas ito sa cable channels.

i recommend you watch this series.

nakakakaba. may magandang twist at mapag-iisip ka talaga kung saan nanggaling si kyle.

may love story din dito. meron siyang love story, suspense, action, comedy, family-oriented type din ng storya at friendship.

astig talaga.

at papanuodin ko na ang season 2! may bagong dagdag na charcter, nakaka-intriga kung ano ang magiging part niya sa buhay nila kyle at ng pamilya niya sa seattle. weekend na, ang saya!

Wednesday, November 14, 2007

classes were suspended

classes were suspended in ust at around 12nn,

lintik. andito na ako sa school at lahat lahat, saka lang nila sinuspend!!! pero, ok lang din, kasi nakapag-attendance na ako sa p.e. class ko, which is korfball...

ang p.e. class ko ay 9am. ang travel ko from bulacan to ust is approximately 1 and 1/2 na oras.

umuulan. ang sarap matulog. ang lamig. pinatay ko ang electric fan ko at around 5am. ang ganda pa ng panaginig ko!!! ang saya!!!

grabe ang nangyari sa akin ngayong umaga. hehehe. desidido akong gumising ng 6am kaninang umaga, pero nung tumunog yung cellphone ko, akala ko, nananaginip pa ako, kaya ang ginawa ko, tiigil ko ang pagtunog ng cellphone, at bumalik sa pagkakahimbing.

nagising ako ng 7:02am, waaahh.. late na ako... nawala ang pagka-antok ko, at bumangon na ako. dali-dali akong pumunta sa drawer, kumuha ng brief, short at tuwalya. at naligo na ako. whew! mabilisang ligo!!! mga 5mins... hehehehe.... (BAKIT??? kayo din naman siguro ganyan pag emergency...). nagbihis. dahil nga may p.e., kailangan may laman ang tiyan. kumain ako ng isang pirasong monay. walang palaman.

pag labas ko ng bahay. umuulan. malakas. nagpayong ako.

(fastforward)

nasa jeep na ako. nakasakay na. nakasabay ko pa sa jeep si JM with his tatay at ate Jomai, ang dalawang dating presidente ng Dramatic Guild ng St. Mary's Academy of Sto. Nino. hehehe... i checked my bag, kaya hinila ko siya mula sa likod ko. nararamdaman kong inuupuan ng katabi ko yung bag ko, kaya paghila ko ng malakas, i found out na ang hinihila kong bag ay bag niya. nakakahiya. pero hindi ko na lang pinansin.

pagkatapos noon, nasa Camatchile na ako. hehehe. i found out (nanaman) na "slightly na sira" ang payong ko. badtrip di ba.

(fastforward)

nasa ust na ako. as ussual baha. 9am na, pumunta na kaming complex ni Che, p.e. mate ko... at blockmate... hehehe. after magpaphotocopy ng reg form. nung nasa complex na kami, may lumapit na janitor at sinabing: "sa gym daw yung korfball"..

huhuhuhu.

ang layo.

noong papunta na kami doon, kasama na namin si Jed na blockmate and pe mate ko din, ginapangan ako ng ipis sa paa. pero hindi ako sumigaw kasi ipis lang iyon, pero si che ang sumigaw kahit wala na yung ipis sa paa ko.

ayun, basa ang mga medyas namin, at paa. badtrip. after pe, nagbihis kami ng uniform, at naglunch sa Lopez' canteen. pagkatapos. nabalitaan naming suspended ang klase.

magaling. magaling.

at pumunta akong ust library, para isulat ito.

as i choose for what i think is best

This was an image taken by my friend while i was choosing for an order in Seattle's best in Trinoma.
Wala lang, naisipan na lang namin tumambay sa Trinoma, tutal naman, walang homework bukas... (except English...) Eh wala pa kaming textbook dun, kaya wala din kaming pagsasagutan, kaya bukas na lang namin aanswer-an. Hehehe...
Actually, we just got there for experience. Hehehe... Gusto naming subukang kainan, ang lahat ng store sa trinoma.. (hehehe... Kung kaya namin...), dapat sa Sbaro, pero masyandong mahal, konti lang naman ang pera naming dala.. Hehehe... Siguro, pag mayaman na kami.
Ang yabang ng pangarap. Pero sa totoo lang, masarap naman siya, pero walang "ibang" factor na hinahanap ko. Siguro kasi, nag-expect ako ng mas masarap for a hundred peso worth of food. Hahaha... Pero wala akong pinagsisihan. Kasi enjoy naman ang pagkain. I even saw ate Jones in Trinoma. Haha...
Sige, magpapahinga na ako. May PE pa ako bukas, Korfball.